oxymoronically jaded

period remaining in Gloria's presidency 1146 DAYS, 37 MONTHS... ANG TAGAL PA!!!!!

Wednesday, April 04, 2007

sila, kami

Noong unang panahon nagsusumpitan lang kami ng sago, bumbili ng sampung pisong tukneneng at limampisong mangga na may bagoong. Duck walk ang mga late, push up ang dirty shoes, uniron hanky, loose fatigue. Drop ang mga nahihilo sa formation, nageenarte ang mga katulad kong napapagod at naiinitan sa formation. Nagkakantahan ng mga kanta sa gulong itlog gulong, kangkongkernitz at burugudungstungstugundunstuy. Tambay sa mcdo, nanonood ng matrix na hindi namin naintindihan, nagswimming suot ang dalawang brief na tinakas sa aparado. Nagtatawanan sa pagmumura ni petty, sa pagkahilo ni linafe na hindi sinalo ng gagong opisyal naming, ang mukha ni pinggol, nang mapagkamalan akong multo sa gubat, nang pinakain si nino ng balat ng talong na kinuskos sa ilalim ng mesa, ng pakainin ng paa si alan. Nagrebelde sa mga abusing opisyal, nagaway dahil lang sa girlfriend na subordinate, nagaway dahil sa Holland tulip, sa singsing, sa candy na ayaw isubo, sa kaangasan. Nagbatuhan ng CL book, glo metal polisher, sinira ang drawer sa HQ, vinandal ang sahid, ilalim ng hagdan. Pumunta sa tanay, nagswimming sa daranak, pumunta sa calamba, sa cuneta astrodome. Nagclose neck, sila nag hair net, nagpa white side wall. Nagcutting classes at nagtago sa HQ, nahuli din pala kami buti nalang maggraduation na noon. Quit moving your eyeballs! Ganito kami noon. Masaya, nagaway, nagtawanan, nagiyakan, nagligawan, nagbati sa ilalim ng mesa, naglagay ng toothpaste sa mata ng tulog na kasama, naghubaran ng shorts sa tanay…

Ganito na kami ngayon… dalawa ang physical therapist, may malapit nang maging duktora, may nagmigrate sa US, may nars na, may nag fine arts, may electrical engineer, may nagsikaran at nagpalaki ng katawan, may dalawang malapit nang maging abugado, may, teka casta ano na nga ba ang nangyari sa iyo? May naging empleyado, may marino (one woman per port), may inhinyero na kamukha ni jack black, may political scientist, may MIS graduate na nakita ang ligaya sa pagtitinda sa sari sari store nya, may di na makita, yooohhhooo bryan? May nagconservatory, may social worker, may pagong parin, may nagiisip mag abugasya (ituloy mo!). may political scientist na masarap ang buhay sa Vegas strip, may nagpunta ng japan para mag nihongo at maging anime, may computer shop ang iba, may anak yata ang isa (go papi!), may accountant, at may masters of arts in economics…

Kung madrama pasensya na hindi lang ako makatulog, wala na akong maisulat tunkol sa pulitika, at naalala ko lang sila

0 Comments:

Post a Comment

<< Home