pre-employment
Kring kring
Ako: hello
Sila: hello may I speak with mr. Ray john bangi?
Ako: ako na nga sino ka? (anak ng tinapang talong mag tagalog ka)
Sila: sir you still have to return in our clinic because the urine sample you have submitted was not sufficient.
Ako: ok
After 3 days
Ako: miss nasaan na yung bote para mapuno ko?
Sila: ah ikaw yung may kulang, ano nga ba ulit ang panagalan mo?
Ako: ray john bangi ho (anong kulang?! Tuktukan kaya kita?)
Sa loob ng cubicle ng CR
Ako: (pabulong lang) sige na wag ka na mahiya isuka mo na para makaalis na ako
Sila: (pagkatapos sa cubicle syempre) sir kulang pa po yan kailangan puno
2nd try
Ako: (pabulong parin) sssssssss ssssssss sssssss ssssssss please isuka mo na kailangan daw puno
Sila: (pagkalabas) sir kulang pa po yan
Ako: huh, eh centimetro nalang ang deperensya eh, what difference would it make (anak teteng ayaw nga sumuka! Ano ba ang gagawin nyo sa urine ko, tequila?!)
3rd try
Ako: (nanginginig na bumubulong) sige na isuka mo na konting ire nalang. Kailangan ko nang makaalis malapit na si daisy. Babatukan ako nun pag late ako.
Pagakalabas
Sila: sir pwede na po yan (kahit na ga patak lang yung nagging deperensya sa huli)
Ako: ingatan ninyo itong boteng to, pinag hirapan ko to
0 Comments:
Post a Comment
<< Home