awful art
Isang Araw
(sagot kina indie, JC, at ken. para kay deye)
Sa bawat lasa ng kape, sa bawat pahina ng libro at diyaryo
Nung isang araw inakalang hindi matatapos
Ngunit ipinakitang tapos na
Dahil nuong isang araw
Isang kabalintunaan ang paglalakas lakasan
Sa gitna ng kahinaan
Ang hindi makita ng mga mata
Nuong isang araw minimithi ang hindi na pwede
Iniisip ang tinakwil ng alaala
Wala sa pag-agaw ng gabi sa umaga
Sa paghalik ng hangin sa tenga
Ang nakaraang limot hindi na muling mayakap
Dahil isang araw mula ngayon
Wala mang habang buhay
Hanggang patuloy na hahalik ang dilim sa langit
Sa pagpikit ng mga mata, sa pagdilat sa umaga
Naroon ka
Yayakap
Sariling mantsa
(pasintabi kay pambie herrera mula sa mata ng mountain yetti)
Ito na ang huling pakikpagniig
Sawa na ang pagal na katawan
Sa mga matang wala sa akin ang titig
Sawa sa sanlaksang tuwa hindi akin ang ngiti
Akin ka sa bawat patak ng pawis sa dibdib
Sa bawat bulong ng kamunduhan
Sa bawat patak ng kapusukan
Akin ka sa bawat hiningang hinithit buga
Akin ka sa gitna ng init at lamig
Sa pagpikit ng mga mata
Nanginginig na kalamnan
Sa bawat dampi ng labi
Akin ka kagabi, hanggang kagabi lang
Sapagkat sa paghihip ng masangsang na katotohanan
Hindi akin ang bukas pagkatapos ng nakaraan
Kakalimutan ko ang katawang nakadantal sa akin
Kakalimutan ang walang hanggang pananaginip
Kakalimutan ang kagabing akin lang ang saya
Bilanggo pa rin ng apat na sulok ng silid
Habang pilit inaalala ang ligaya
Ng huling pakikipagniig
Na nilunod na ng mga hikbi
untitled
Words are no longer important
Now that silence has become bliss
The sunshine that kisses
Neck to navel
Proves herself to be real
Holds like a throbbing finger
Over a child’s soul
Feels smooth and none of these pains
Embraces tomorrow before I die today
0 Comments:
Post a Comment
<< Home