tugon
sa paglubog ng araw
sa paglamon ng liwanag
sa pagdampi ng hangin ng gabi sa pisngi
sa paginog ng mundo sa walang katapusang ligalig
magsisimula ang panibagong ligaya
magsisimula and panibagong pag-asa
yayakapin ang oras kapiling ka
yayakaping sabay ang panahon magkasama
hanggang sa ang panahon ay maubos
at ang matira ay alala
ngayon... bukas...
hindi na titigil pa
0 Comments:
Post a Comment
<< Home