dumadalas ang hindi na
sa luhang tuyo, sa mugto ng mata
balot sa ngiti, lunod sa tawa
sa kumakawalang damdamin
sa nawawalang alaala
bukas makalawa ikaw ay limot na
babalik ka pa ba?
dumadalas ang hindi na
magigising ka at ang kahapon ay wala na
pilit na nililimot ang saya ang tuwa
pilit na pinipigil ang pagbugso ng luha
pilit na tinatago ang lunkot sa mata
pilit na nilulunod ang iyong alaala
babalik ka pa?
madalas, mas maigi ang hindi na
0 Comments:
Post a Comment
<< Home