oxymoronically jaded

period remaining in Gloria's presidency 1146 DAYS, 37 MONTHS... ANG TAGAL PA!!!!!

Monday, July 18, 2005

wala lang

teka uuwi na pala ako. minsan napakasarap ang isang tasa ng kape, isang pirasong one-day-old sa hepa lane, isang bote ng coke, kalahating pisngi ng mangga.

napakasarap ng tatlong oras na tulog, isang oras na tulog sa fx papasok, ilang minutong idlip sa opisina bago mag-aral.

napakasarap ng trenta minutos na naka-upo at tumatambay, sampung minutong tumayo sa grandstand at walang gagawin, ilang minutong pakikipag-halakhakan sa st maurs.

napakasarap oo, pero pagkatapos ng mga ito, pagka-ubos ng mangga ko, napaka-bigat sa loob na babalik ako sa library at butasin ang upuan ko.

umaangal ba ako? hindi, basta napaka-sarap lang...

mamaya sasakay na ako ng tren. napakasa-sarap ang umuwi ng gabi, ngayon pa at umuulan. bukas library nanaman pero mamaya, kama ko muna

0 Comments:

Post a Comment

<< Home